AROUSE - 1st THEMATIC phase
National Consensus and Constituency Building
Forge a national consensus through an open referendum among Filipinos, 10 years and older, on ten (10) questions based on United Nations Resolution No. 43/243, “Declaration and Programme of Action on a Culture of Peace” to:
- Embed the “Culture of Peace”;
- Develop learners to be peace builders in their communities;
- End the recruitment of Filipino learners by armed extremist groups;
- Uphold territorial sovereignty and reject foreign intervention in internal affairs;
- Establish a Human Rights based counter-terrorism and violent extremism policy; and
- Assert Peace as a Human Right.
The open referendum among Filipinos, 10 years and older, shall be undertaken as an integral part of the MATATAG Agenda and Curriculum of the Department of Education to embed a Culture of Peace into the basic education curriculum and develop learners as peace-builders in their communities through the following subjects: Good Manners and Right Conduct; Values Education and Araling Panlipunan.
The target audiences are as follows:
Primary Target Audience – Learners from Grade 4 to Grade 12 estimated at nineteen million thirty-five thousand one hundred eighty-two (19,035,182)
Secondary Target Audience – Parents, housemates and relatives of the Primary Target Audience. This is estimated to be twice the number of Learners from Grade 4 to Grade 12.
OPEN REFERENDUM QUESTIONS
vis-a-vis UN Resolution 43/253
ENGLISH | FILIPINO | UN Resolution 43/253 |
1. Should we embed and nurture the Culture of Peace in our schools, homes, communities, and government? | Dapat ba nating itanim at arugain ang Kultura ng Kapayapaan sa ating mga paaralan, tahanan, komunidad, at pamahalaan? | “… Declaration on a Culture of Peace to the end that Governments, international organizations and civil society may be guided in their activity by its provisions to promote and strengthen a culture of peace…” |
2. Should we unite and collectively participate in identifying, planning, budgeting and implementing projects and programs in each community to maintain the Culture of Peace? | Dapat ba nating magkaisa at mag-Bayanihan sa pagtukoy, pagplano, pagpondo at pagsasagawa ng mga proyekto at programa upang mapanatili ang Kultura ng Kapayapaan sa bawa’t komunidad? | “Recognizing that peace not only is the absence of conflict, but also requires a positive, dynamic participatory process where dialogue is encouraged and conflicts are solved in a spirit of mutual understanding and cooperation.” |
3. Should we establish a society without violence – physical, sexual, psychological, economic and social? | Dapat ba nating itatag ang isang lipunan na walang karahasan – pisikal, seksuwal, sikolohikal, ekonomikal at sosyal? | Article 1 (a). “Respect for life, ending of violence and promotion and practice of non-violence through education, dialogue and cooperation.” |
4. Should we take care of and enrich our environment for the sustainable development of our country as an important undertaking for the peace process? | Dapat ba nating alagaan at pagyamanin ang ating kapaligiran upang masustinihan ang pag-unlad ng ating bansa bilang isang mahalagang bahagi ng prosesong pangkapayaan? | Article 1 (e). “Efforts to meet the developmental and environmental needs of present and future generations.” |
5. Should we recognize and respect each other’s different beliefs and culture? | Dapat ba nating kilalanin at igalang ang iba’t-ibang paniniwala natin? | Article 1 (i). “Adherence to the principles of freedom, justice, democracy, tolerance, solidarity, cooperation, pluralism, cultural diversity, dialogue and understanding at all levels of society and among nations; and fostered by an enabling national and international environment conducive to peace.” |
6. Should we live up to being Pro-God, Pro-Environment, Pro-People and Nationalist? | Dapat ba nating isabuhay ang pagiging Maka-Diyos, Maka-Kalikasan, Maka-Tao at Makabansa? | Article 2. “Progress in the fuller development of a culture of peace comes about through values, attitudes, modes of behaviour and ways of life conducive to the promotion of peace among individuals, groups and nations.” |
7. Should we uphold and assert Human Rights; the Rights of Children; Indigenous People’s Rights and the Right to Peace? | Dapat ba nating itaguyod at isulong ang Karapatan sa Kapayapaan; mga Karapatang Pantao; mga Karapatan ng Katutubo; at mga Karapatan ng mga Bata? | Article 3 (c). “Promoting democracy, development and universal respect for and observance of all human rights and fundamental freedoms.” |
8. Should we reject, oppose and counter calls for, promotion of and use of arms, violence and terrorism for whatever reason it may be? | Dapat ba nating tutulan, hadlangan at labanan ang pananawagan, pagsusulong at paggamit ng armas, karahasan o terorismo anuman ang dahilan? | Article 3 (d). “Enabling people at all levels to develop skills of dialogue, negotiation, consensus-building and peaceful resolution of differences.” |
9. Should we keep ourselves abreast of programs and projects of various government agencies and use these to develop our community and to enrich the Culture of Peace? | Dapat ba nating maging mulat sa mga programa at proyekto ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan at gamitin ang mga ito upang paunlarin ang ating mga komunidad at pagyamanin ang Kultura ng Kapayapaan? | Article 3 (e). “Strengthening democratic institutions and ensuring full participation in the development process.” |
10. Should we teach all our learners the historical backgrounds and ways forward to build a culture peace and assert human rights? | Dapat ba nating ituro ang kasaysayan at ang mga hakbang tungo sa pagtataguyod ng Kultura ng Kapayapaan at pagsusulong ng Karapatang Pantao sa ating mga mag-aaral? | Article 4. “Education at all levels is one of the principal means to build a culture of peace. In this context, human rights education is of particular importance.” |
DATA PRIVACY WAIVER
Laging Handa po akong makiki-isa, tutulong at makikipag–Bayanihan ng Bayan – sa abot ng aking kakayanan – upang maayos na matukoy, maplano, mapondohan at mapatupad ang mga proyekto at programa ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno para maibsan ang kahirapan at maiangat ang kabuhayan namin dito sa aming komunidad. Ipinapahintulot ko pong sulatan ako sa Address na ibinigay ko upang makatulong ako bilang KaBayanihan ng Bayan sa pagtukoy, pagpaplano, pagpapapondo at pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng gobyerno para sa Kapayapaan, Kaunlaran at Kasaganaan ng aming Barangay/komunidad.
Ipinapahintulot ko pong isama sa listahan ng mga tumugon sa YES FOR PEACE ang pangalan ko para isumite kay President Ferdinand “Bong Bong” R. Marcos, Jr. at ipaabot sa United Nations General Assembly nang magsilbing huwaran ng ibang bansa ang Sambayanang Filipino sa pagtataguyod ng Kultura ng Kapayapaan (Culture of Peace).
Nawa’y gabayan tayong lahat ng Diyos sa landas tungo sa hangad na Kapayapaan, Kaunlaran at Kasaganaan.
Gabay sa Pagkalap at Pagpapadala ng YES FOR PEACE
- Magmi-miting ang Principal, mga Titser at non-teaching personnel upang pag-usapan, planuhin at itakda ang mga hakbang na kailangang gawin alinsunod sa DepEd Memorandum No. ____, s. 2014 at mga Enclosure nito. Pagkakasunduan at itatalaga ang YES FOR PEACE Coordinator.
- Magpapa-imprenta ng YES FOR PEACE questionnaire (Enclosure No. 3) at “Panunumpa ng mga Ka-Bayanihan ng Bayan” (Enclosure No. 9) para sa mga estudyante (Learners), kanilang mga magulang, at mga kamag-anak at iba pang kasama nilang nakatira sa kanilang tahanan. Sa diwa ng Bayanihan, maaaring tustusan ang pagpapa-imprenta ng alin man sa mga sumusunod: a) Paaralan kung may makukuha pa mula sa MOOE; b) Local School Board; c) Peace and Order Council ng Lokal na Pamahalaan; o d) Sponsor / Donor.
- Gagabayan ng mga Guro ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) / Values Education (VE) / Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ang lahat ng mga estudyante mula Grade 4 hanggang Grade 12 sa pagsagot ng YES FOR PEACE questionnaire. Pwedeng gawin ito bilang bahagi ng “Catch-up Friday”.
- Iuuwi ng mga estudyante ang nasagutan nilang YES FOR PEACE para papirmahan ng pagsang-ayon / pahintulot ang kanilang mga magulang. Mag-uuwi rin sila ng sapat na dami ng YES FOR PEACE questionnaire at “Panunumpa ng mga Ka-Bayanihan ng Bayan” para pasagutan at papirmahan sa kani-kanilang mga magulang at iba pang nakatira sa kanila – sampung (10) taong gulang pataas – sa araw ng Sabado at Linggo.
- Sa Flag Ceremony sa araw ng Lunes, babasahin ang sampung (10) tanong ng YES FOR PEACE. Sabay-sabay na sasagot, viva voce, ang lahat ng estudyante pagkatapos ng Pambansang Awit. Susundan ang Panunumpa sa Watawat ng “Panunumpa ng mga Ka-Bayanihan ng Bayan”.
- Dadalhin ng mga estudyante ang mga nasagutan at napirmahang YES FOR PEACE questionnaire at “Panunumpa ng mga Ka-Bayanihan ng Bayan” sa kani-kanilang mga Homeroom. Sa harap ng buong klase sa Homeroom Period, ita-tabulate – bibilangin ang mga sagot (YES / NO) sa sampung (10) tanong ng YES FOR PEACE – at gagawin ng Homeroom President at Secretary ang Homeroom Tabulation of Responses (Enclosure No. 4) sa tulong ng kanilang mga Homeroom Adviser. Isusumite ito sa Principal.
- Isa-summarize ng President at Secretary ng Supreme Student/Pupil Government ang mga resulta ng Homeroom Tabulation of Responses sa tulong ng YES FOR PEACE Coordinator at gabay ng Principal. Gagawin nila ang School Summary of Responses (Enclosure No. 5) at ang Resolution Declaring a Yes For Peace, Unity and Development Zone (Enclosure No. 10).
- Isusumite ng Principal sa pamamagitan ng pag-Scan at E-mail ang mga Homeroom Tabulation of Responses, School Summary of Responses at ang Resolution Declaring a Yes For Peace, Unity and Development Zone sa mga kinauukulan na nakalista sa Campaign Activities (page 7, Enclosure No. 2).
- Sa direksiyon ng Principal, ibabalot ng mga non-teaching personnel ang School Summary of Responses, mga Homeroom Tabulation of Responses at mga nasagutang YES FOR PEACE questionnaire at dadalhin ito sa pinakamalapit na Post Office.
- Pipirmahan ng mga kinauukulang Homeroom Adviser (bilang Testigo) ang mga “Panunumpa ng mga Ka-Bayanihan ng Bayan”. Iuuwi ito ng mga estudyante sa kani-kanilang mga tahanan upang magsilbing tanda ng pakikipag-Bayanihan ng Bayan nila at ng kanilang pamilya.
Primary Target Audience – Learners from Grade 4 to Grade 12 estimated at Nineteen Million Ninety Thousand Six Hundred Eight (19,090,608)
Secondary Target Audience – Parents, housemates and relatives of the Primary Target Audience. This is estimated to be twice the number of Learners from Grade 4 to Grade 12 or approximately Thirty-Eight Million One Hundred Ninety-One Thousand Two Hundred Sixteen (38,191,216).
TOTAL – Fifty Seven Million Two Hundred Eighty One Thousand Eight Hundred Twenty Four (57,281,824)
Key Result Area: Responses to the open referendum.
Key Performance Indicator: Number of responses to the open referendum
SMART Objective: Thirty Million (30,000,000) Filipinos, 10 years and older shall have responded to the open referendum component of the YES FOR PEACE – Bayanihan ng Bayan by December 10, 2024.
The issuance of a DepEd Memorandum / Order and the proactive participation in calling for citizen’s’s participation by Vice President and DepEd Secretary Sara Z. Duterte are the keys to ensure the success of this phase.
Who and What Do We Need?